Tuesday, May 12, 2009

Sa Laot ng Kaluluwang Desperado

nais kung matanto
ang lalim ng pusong ito
na pinuno mo
ng mga nanaginip na talang

magigising at magigising din
sa katotohanang
hindi sapat ang pagsisinungaling
sa sarili't sapilitang paglimot
sa iyo upang puksain

ang kaluluwang nagmamahal
kahit na nasasakal

No comments: